Home HOME BANNER STORY Sarah Discaya balik hoyo sa NBI; 9 pang dawit sa flood control...

Sarah Discaya balik hoyo sa NBI; 9 pang dawit sa flood control mess, pinaaresto na

305
0

MANILA, Philippines – Inaresto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kontratistang si Cezara Rowena “Sarah” Discaya matapos magpalabas ang korte ng warrant of arrest laban sa kanya at siyam pang indibiduwal na sangkot sa umano’y P96.5 milyong ghost flood control project sa Davao Occidental.

Boluntaryong sumuko si Discaya sa NBI noong nakaraang linggo at nitong Huwebes ng gabi ay isinilbi ang warrant of arrest habang nasa kustodiya siya ng ahensiya.

Siya ay nahaharap sa kasong graft at malversation of public funds na isinampa ng Office of the Ombudsman sa Digos Regional Trial Court at Regional Trial Court Branch 27 sa Lapu-Lapu City, Cebu. Ang mga kasong ito ay non-bailable.

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpalabas na ang korte ng arrest warrant laban sa 10 indibiduwal na isinasangkot sa flood control scam.

“Ang mga akusado ay nahaharap sa kasong graft at malversation. Ito pong mga kasong ito, hindi po bailable ito. Hindi pwedeng bayaran para sila’y makalabas sa kulungan,” ani Marcos sa isang video message.

Sinabi rin ng Pangulo na bukod kay Discaya, may walong opisyal pa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagpahayag ng kagustuhang sumuko.

“Ito po ay patuloy namin ang gagawin. Simula lang po ito at patuloy namin ito iimbestigahan at kakasuhan lahat po ng may kinalaman sa mga iskandalo na nakikita natin sa mga flood control project,” ayon sa Pangulo.

Dagdag pa niya, sisikapin ng pamahalaan na mabawi ang pondo ng bayan. “At titiyakin po natin na hindi lamang sila ay makakasuhan, kundi maibalik ang pera ng ating mga, ng binayad ng ating mga kababayan ay ibalik sa kaban ng ating bansa.” (Jocelyn Tabangcura-Domenden/Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here