MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Malakanyang ang pasok sa trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa Disyembre 29, 2025 at Enero 2, 2026 upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kawani na ganap na maipagdiwang ang Bagong Taon.
Nakasaad sa Memorandum Circular No. 111 na nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph G. Recto: “In order to provide government employees full opportunity to celebrate New Year’s Day activities and to allow them to travel to and from different regions in the country, work in all government offices is hereby suspended on 29 December 2025 (Monday) and 2 January 2026 (Friday).”
Gayunman, mananatiling operational ang mga ahensiyang nagbibigay ng pangunahing, mahahalaga at serbisyong pangkalusugan, pati na ang mga may tungkulin sa preparedness at response duties.
Ipinauubaya naman ng Malakanyang sa diskresyon ng mga pinuno ng pribadong kompanya at tanggapan kung magpapatupad din sila ng kahalintulad na suspensyon sa mga nasabing petsa. Kris Jose