Home NATIONWIDE 270,000 parak makatatanggap ng P20K bonus

270,000 parak makatatanggap ng P20K bonus

253
0

MANILA, Philippines – Mahigit 270,000 pulis at non-uniformed personnel (NUPs) ang makatatanggap ng one-time na P20,000 service recognition incentive (SRI) para sa 2025, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Nakatalaga ang payout sa Disyembre 19 para sa 227,734 kuwalipikadong personnel, na may kaukulang buwis.

Ayon kay PNP acting chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kinikilala ng insentibo ang dedikasyon at serbisyo ng mga tauhan sa pagpapanatili ng kaligtasan publiko nang may integridad.

Ang SRI, na nagkakahalaga ng P4.23 bilyon ngayong taon, ay sumasaklaw rin sa uniformed personnel, NUPs, at cadets ng Philippine National Police Academy.

Kinakailangan ang hindi bababa sa apat na buwan ng maayos na serbisyo hanggang Nobyembre 30, 2025, at may prorated na insentibo para sa mas maikling serbisyo.

Hindi makakakuha ang mga may pending administrative o criminal cases, maliban kung parusa lamang ay reprimand.

Bukod dito, 227,925 aktibong personnel ang makatatanggap ng one-time na P5,000 Productivity Enhancement Incentive (PEI) para sa 2025. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here