Home NATIONWIDE DPWH nagluluksa sa pagkasawi ni Cabral

DPWH nagluluksa sa pagkasawi ni Cabral

249
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pamilya ng dating undersecretary na si Maria Catalina Cabral, na namatay matapos umanong mahulog sa Benguet.

Mahigit 40 taon na siyang naglingkod sa departamento at kinilala bilang modelo para sa kababaihan sa infrastructure.

Natagpuan si Cabral na walang malay at hindi na tumugon, 20 hanggang 30 metro mula sa isang bahagi ng Kennon Road noong Huwebes ng gabi.

Pinahinto niya ang kanyang driver sa isang bahagi ng kalsada kaninang hapon. Idineklara ng isang municipal doctor na patay siya sa tabi ng Bued River bandang 12:03 a.m. nitong Biyernes. Patuloy pa ring iniimbestigahan ng awtoridad ang kanyang pagkamatay.

Nagbitiw si Cabral noong Setyembre sa gitna ng imbestigasyon ng Kongreso sa anomalya sa flood control projects at umano’y kickback.

Nakaplanong imbitahan siya ng Independent Commission for Infrastructure bilang resource person sa imbestigasyon ng ghost at substandard flood control projects. Jocelyn Tabangcura Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here