Home NATIONWIDE Influenza-like illnesses tumataas sa Disyembre – DOH

Influenza-like illnesses tumataas sa Disyembre – DOH

243
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health–Center for Health Development (DOH-CHD) Region 1 na tumaas ang influenza-like illnesses (ILI) noong ikatlong linggo ng Disyembre.

Karamihan sa mga kaso ay mga bata sa edad na isa hanggang apat na taon.

Bagama’t bumaba ang kabuuang kaso ng ILI mula Enero hanggang Nobyembre 22, 2025 (11,459 kaso) kumpara sa parehong panahon noong 2024, nananatiling maingat ang mga health official habang lumalamig ang klima.

Pinaalalahanan ni Dr. Rheuel Bobis, tagapagsalita ng DOH-CHD Region 1, ang publiko na magpahinga, uminom ng sapat na tubig, magpanatili ng kalinisan, at magpatingin agad sa doktor.

Karamihan sa ILI ay viral at maaaring gumaling sa pahinga at supportive care. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here