Home METRO Bahagi ng Davao coastal bypass road, binuksan na sa publiko

Bahagi ng Davao coastal bypass road, binuksan na sa publiko

273
0

DAVAO, Philippines – Bahagyang binuksan na sa publiko ang Davao City Coastal Bypass Road nitong Disyembre 19, ayon sa Malacañang, ilang araw matapos tawagin ni Mayor Sebastian Duterte ang pagbubukas nito na “premature” dahil sa umano’y kakulangan sa kaligtasan.

Binuksan ang kalsada sa mga motorista alas-6 ng umaga matapos utusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga opisyal na tiyaking ligtas ang mga gagamit nito, ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro.

Dagdag pa niya, naglagay na ang DPWH ng karagdagang solar streetlights at guardrails. Simula Disyembre 15, maaari nang daanan ang Bucana Bridge at dalawang lane ng bypass road mula 6 a.m. hanggang 5 p.m.

Inaasahang makababawas sa trapiko sa timog bahagi ng Davao City ang bagong kalsada at magpapababa ng oras ng biyahe mula mahigit isang oras tungo sa 25 minuto.

Gayunman, sinabi ni Castro na kailangan pa rin ang suporta ng lokal na pamahalaan ng Davao upang tuluyang mapakinabangan ng publiko ang proyekto. Nauna nang pinuna ni Mayor Duterte ang kakulangan ng ilaw at traffic signages, at tinanong kung bakit ito binuksan bago pormal na maipasa sa lokal na pamahalaan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here