BANGKOK – Nagpahayag ng kasiyahan ang Philippine sports officials sa performance ng contingent sa 33rd Southeast Asian Games sa kabila ng mga hamon na kinaharap ng mga atleta sa pagho-host ng Thailand.
Base sa record, ang mga atleta ng PH ay nakalikom ng 50 ginto, 73 pilak, at 154 tanso sa Thailand Games, mahusay para sa ikaanim na puwesto sa medal tally. Ang nasabing pwesto ay mas mababa sa target ng mga sports official na hindi bababa sa ikalimang puwesto sa Cambodia edition kung saan nagkaroon ang Pilipinas ng 58-85-117.
Gayunpaman, sinabi ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission na matagumpay itong kampanya lalo na sa dalawang grupo na nagtutulungan sa paghahanda.
Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na naging matagumpay ang kampanya sa kabila ng mga insidente sa loob at labas ng kompetisyon na nagpapahina sa pag-asa ng ilang mga atleta na manalo ng mas maraming gintong medalya.
“Eto ‘yung prutas,” ani Tolentino kaugnay sa pakikipagtulungan sa PSC.
Kinatigan i PSC chairman Patrick “Pato” Gregorio ang damdamin ni Tolentino, habang idiniin din nito na karamihan sa mga bronze medalists ay nagmula sa grassroots sports.
“Nanalo kami sa mga kompetisyong pinakamahalaga… sa kanila (Thailand),” ani Gregorio. “Doon natin sila tinalo. And maski naman tayo nasorpresa. Pero that proves that we can excel in Olympic competitions. ‘Yun naman ang hangarin natin.”
“Sabi ko nga, napansin ko rin ‘yung 169 bronze medals. But at the same time, ‘yun na ‘yung grassroots natin. At magiimprove at magiimprove ‘yan because we gave them an opportunity to participate in the Southeast Asian Games.”
“Very happy ako kasi kung minsan, sa kapaligiran, pataasan ng talon at palakpakan ‘yan eh. Saan ba tayo pinakamasaya? Siyempre doon sa dalawang basketball natin, ‘yung football natin, ‘yung beach volleyball natin, Alex Eala, EJ Obiena, softball, baseball, combat sports. Diyan tayo pinaka-happy. ‘Yan ang basehan ng satisfaction natin.
Gayunman, ikinalungkot ni Tolentino ang resulta ng iba pang sports na nangangailangan ng paghusga at ang Philippine triathlon team na nagkasakit dahil sa food poisoning na nakaapekto sa kanilang performance at tsansa na manalo ng gintong medalya.
“Of course, nandoon din ang basketball as predicted ‘in spite’… applicable to all sports ‘yun. It’s an uphill battle dahil sa ‘in spite.’ Pinakamarami tayong bronze eh. ‘Yun ‘yung in spite. Hindi kayo puwedeng mag-finals. Dapat hanggang bronze lang kayo,” ani Tolentino.
“Ang daming magic. Nabalitaan niyo ‘yung sa triathlon. Gold-silver definitely ‘yung individual. Pero ganun ang nangyari. Kung ganun, dapat may sarili na tayong chef. Mahirap tumakbo ng ganun ang pakiramdam. Totoong nangyari ‘yung triathlete ‘yun. Two golds dapat ‘yun,” pagpapatuloy nito.
“Masakit man sabihin, this is a brutal SEA Games. ‘Yun ang in spite pero hindi kinaya ng iba.”JC