Home SPORTS Panga ni Jake Paul binasag ni Anthony Joshua

Panga ni Jake Paul binasag ni Anthony Joshua

393
0

MANILA, Philippines –Naglabas na ng update si Jake Paul sa nabasag niyang panga sa laban nila ni Anthony Joshua.

Nitong Sabado, na-knockout ni Joshua si Pau sa sixth-round stoppage matapos magtamo ng dalawang bali sa kanyang panga sa proseso.

Sinabi ni Paul (12-2, 7) sa social media pagtapos ng laban: “Kakalabas lang ng operasyon. Naging maayos ang lahat. Salamat sa lahat ng pagmamahal.

“Maraming sakit at paninigas. Kailangang kumain ng likido sa loob ng pitong araw.

“[Shoutout] sa kamangha-manghang koponan sa ospital ng Miami University. Napakabait at nagmamalasakit sa lahat.”

Si Paul ay may dalawang titanium plate sa bawat gilid na ipinasok, at ang mga ngipin ay tinanggal, ayon sa ulat.

Nag-post si Paul ng X-ray sa kanyang social media na nagpapakita ng dalawang bali sa kanyang panga dulot ni Joshua (29-4, 26 KOs).

Dumudura rin siya ng dugo sa kanyang bibig pagkatapos ng kanyang pagkatalo sa heavyweight.

Dalawang beses na binomba ng malalakas na suntok ni Joshua si Paul sa ikalimang round at dalawang beses pa sa ikaanim bago itinigil ang laban sa loob ng walong round na distansya.

Hindi dumalo si Paul sa postfight news conference habang inaasikaso niya ang pinsala.

“Naligo siya, nagmaneho siya sa ospital,” sabi ni Most Valuable Promotions CEO Nakisa Bidarian. “Ang sirang panga ay karaniwan sa sports, partikular sa boxing o MMA. Ang oras ng pagbawi ay apat hanggang anim na linggo.”

Ang pinsala ay hindi makakapigil kay Paul sa labas ng boxing ring nang matagal, iginiit niya.

“Pagagalingin namin ang sirang panga, babalik at lalabanan ang mga tao ang aking timbang,” sabi niya.

“Pupunta ako para sa cruiserweight world title.”

Nagboxing si Paul sa halos lahat ng kanyang karera sa 200 pounds bago umakyat sa heavyweight para harapin si Mike Tyson noong nakaraang taon, pagkatapos ay si Joshua.

Iginiit niya na magpapahinga muna siya bago magplano ng kanyang susunod na laban.JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here