Home SPORTS Grassroots sports susi sa tagumpay ng Team PH

Grassroots sports susi sa tagumpay ng Team PH

353
0

BINIGYANG-DIIN ni PSC Chairman Patrick “Pato” Gregorio ang mahalagang papel ng grassroots sports sa SEA Games performance ng Pilipinas.

Ayon kay Gregorio, karamihan sa mga napanalunang bronze medals ay mula sa mga batang atleta at first-time SEA Games participants.

“We won in the competitions that mattered most,” ani Gregorio.

Binanggit niya ang mga panalo sa basketball, football, beach volleyball, at combat sports bilang batayan ng kasiyahan ng publiko.

Dagdag pa niya, ang exposure sa SEA Games ay mahalaga sa paghubog ng mga atleta para sa mas mataas na antas ng kompetisyon.

Para naman sa PSC, ang dami ng medalya ay indikasyon ng lumalawak na sports base ng bansa.

Kinilala rin ni Gregorio ang ilang pagkukulang sa mga sports na may mga hurado at mga insidenteng nakaapekto sa ilang koponan.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here