Home HOME BANNER STORY Magandang panahon asahan sa Pasko

Magandang panahon asahan sa Pasko

258
0

MANILA, Philippines – Magkakaroon ng bahagyang magandang panahon sa bansa ngayong linggo ng Pasko dahil walang inaasahang papasok o mabubuong bagyo sa Philippine Area of Responsibility.

Ang kasalukuyang northeast monsoon o Amihan ay makaaapekto sa Northern Luzon at inaasahang hihina simula huling bahagi ng Martes.

Gayunpaman, mula gabi ng Pasko, may panibagong Amihan surge na mararanasan sa Northern Luzon at maaari itong magtagal hanggang weekend.

Ang shear line na nabuo dahil sa kasalukuyang Amihan ay magdudulot ng kalat-kalat na ulan sa Cagayan Valley, pababa hanggang Aurora at hilagang Quezon sa Lunes, at kakalat sa CALABARZON at Bicol pagsapit ng Martes.

Isa pang bagong shear line ang inaasahang mabubuo at magdadala ng ulan sa hilagang bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera, at Ilocos Region mula Biyernes hanggang Linggo.

Samantala, ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng maaraw at mainit na panahon hanggang tanghali, na may posibilidad ng panaka-nakang ulan o thunderstorm sa hapon, lalo na sa Palawan, Visayas, at Mindanao.

Sa Metro Manila, inaasahang maalinsangan at maulap na may ulan sa tanghali o hapon sa Lunes at Martes, bahagyang maulap sa Miyerkules, at maaraw at mainit mula Araw ng Pasko hanggang Linggo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here