Home NATIONWIDE Erice nagbabala sa DPWH sa itinatagong anomalya sa flood control projects

Erice nagbabala sa DPWH sa itinatagong anomalya sa flood control projects

240
0

MANILA, Philippines – Nagbigay ng matinding babala si Caloocan Rep. Edgar “Egay” Erice sa mga empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na may alam tungkol sa anomalya sa mga flood control projects at pinipiling itago ang mga impormasyon.

Ayon kay Erice, ito ay usapin na ng seguridad at dapat ilahad nila ang totoo dahil delikado ang buhay nila kung may iba na nakakaalam na may alam sila.

Sinabi ni Erice na ngayong namatay na ang dating DPWH undersecretary na si Maria Catalina Cabral sa misteryosong pangyayari, at wala na rin sa bansa si dating DPWH secretary Manuel Bonoan, mas kailangan na nilang magsalita ang mga nakakaalam para lumabas ang katotohanan sa isyu.

Ayon kay Erice, magpe‑file siya ng resolusyon sa House of Representatives upang humiling ng mas malalim na imbestigasyon sa pagkamatay ni Cabral at sa posibleng papel niya sa mga anomalya sa flood control projects habang umuusad pa rin ang imbestigasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here