MANILA, Philippines – Nagpaabot ng taos‑pusong pakikiramay si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at iba pang mga miyembro ng House of Representatives sa pagpanaw ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo M. Acop.
Inilarawan nila si Acop bilang isang lingkod‑bayan na may matibay na integridad, tapang, at prinsipyo sa serbisyo publiko.
Ayon kay Dy, malaking kawalan ang pagkawala ni Acop hindi lang para sa Kongreso kundi pati na rin sa lungsod ng Antipolo at sa buong bansa.
Binanggit niya na ang yumaong mambabatas ay naniniwala na ang batas ay para sa kapakanan ng mamamayan at ang kapangyarihan ay pananagutan, hindi pribilehiyo.
Nagpahayag din ng pagdadalamhati si Deputy Speaker Ronaldo “Ronnie” Puno, na tinawag si Acop na “dedicated, courageous, honest public servant” at matagal na kaibigan.
Ayon kay Puno, wasak ang puso ng marami sa kanyang pagpanaw at ang bansa at Kongreso ay “lesser” dahil sa pagkawala niya.
Bukod kay Dy at Puno, maraming kasamahan sa Kamara ang nagbigay‑pugay at nag‑alaala sa kanyang kontribusyon — lalo na sa mga matitinding legislative inquiries at sa kanyang pagiging lider sa House Quad Committee.
Si Rep. Acop, na 78 taong gulang, ay dating police general at kilala sa mahigpit ngunit patas na pagtatanong sa mga high‑profile hearings.
Ang kanyang buhay at serbisyo ay inalala bilang halimbawa ng integridad at dedikasyon sa bayan. RNT/MND