Home METRO PCG CamNor, naka-alerto ngayong Kapaskuhan

PCG CamNor, naka-alerto ngayong Kapaskuhan

250
0

CAMARINES NORTE, Philippines – Aktibong nakaantabay ang Philippine Coast Guard (PCG) at mga tauhan ng Coast Guard Station (CGS) Camarines Norte, katuwang ang mga Substations nito, sa pagbibigay ng agarang tulong, tamang impormasyon, at kinakailangang suporta sa mga pasahero ng mga sasakyang pandagat sa Probinsiya ng Camarines Norte noong Linggo, ika-21 ng Disyembre 2025.

Bukod dito, tiniyak din ang kaayusan at kaligtasan ng mga pasahero at barko sa pamamagitan ng pinaigting na port monitoring, mahigpit na vessel at passenger inspection, pre-departure safety checks, at patuloy na pagbabantay upang masiguro ang maayos, ligtas, at tuluy-tuloy na daloy ng biyahe ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Nagpaalala ang Coast Guard District Bicol (CGDBCL) sa publiko na sumunod sa mga patakaran sa pantalan upang matiyak ang ligtas at maayos na paglalakbay ngayong Kapaskuhan.

Nanatiling naka-heigtened alert ang PCG ngayong holiday season hanggang Enero 5,2026 para sa Oplan Biyaheng Ayos : Pasko 2025. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here