Home NATIONWIDE Rep. Leviste may bilin sa hawak na Cabral files

Rep. Leviste may bilin sa hawak na Cabral files

257
0

MANILA, Philippines – “Kung pumanaw na ako ay nagbigay ako ng instructions na ilabas ang buong Cabral files.”

Ito ang binitiwang pahayag ni Batangas Rep. Leandro Leviste sa ekslusibong panayam ng SMNI kaugnay ng hawak ng kongresista na Cabral files na aniya’y personal niyang hiningi sa yumaong dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.

Giit pa ng mambabatas na may mabigat na dahilan kung bakit hindi niya mailabas ang buong Cabral files hindi para proteksyunan ang mga nasasangkot sa anomalya kungdi makabubuti aniyang ito ay maisiwalat ng mga opisyales mismo ng Department of Public Works and Highways sa publiko sa isang pampublikong pagdinig o sa Kongreso.

“Sisiguraduhin ko na balang araw ay lalabas ito kasi, kaya isa sa mga dahilan na hindi ito inilabas ngayon ay nakakatakot para sa seguridad ng mga maglalabas na ilabas ito pero kung pumanaw na ako ay nagbigay ako ng instructions na ilabas ang buong Cabral files.”

Kabilang sa binanggit ni Leviste na may P150 milyong insertion sa alokasyon ng 2025 badyet batay sa Cabral files ay ang Bicol Saro Partylist  na ngayon ay hawak ni Rep. Terry Ridon bagama’t lahat naman aniya ng mga kongresista ay merong ganitong alokasyon.

“Sabi ni Congressman Terry Ridon, ilabas mo ang listahan, kaya inilabas natin ang mga insertions ng Bicol Saro Partylist na may P150 million sa Camarines Sur sa dalawang mga roads, sa Pamplona at Pasacao na nagkataon na ginagawa ng isang kontraktor na may pinakamaraming kontrata sa Camarines Sur na baka may kaugnayan sa Bicol Saro Partylist.”

Kasabay nito ay sinabi ni Leviste na kung sakaling nais  ng mga kongresista na mailabas ang iba pang insertions ay handa siyang isiwalat ito.

“Kung ang iba pang mga kaibigan natin sa Kongreso ay manawagan na isapubliko ang kanilang insertions, then ilalabas natin po ang kanilang mga insertions.”

Nagpahayag din ng simpatiya si Leviste sa mga staff ni Cabral.

“Ako po ay naaawa sa kanila dahil sila ay mga simpleng empleado ng gobyerno pero ngayon hawak nila ang napaka-importanteng impormasyon.  This is also a serious matter, I hope also the public could understand kung bakit hindi namin basta-basta pwedeng ilabas ito kasi kahit noong buhay si Usec Cabral ay iniisip ko kung ilalabas lahat ang mga files na ito baka kung ano ang mangyari sa kaniya. Sana po in any case ay maproteksyunan natin ang mga staff ni Usec Cabral.”

Paglilinaw pa ni Leviste na magkaiba ang Cabral files sa Bicam insertions na naunang ibinulgar ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na pawang Bicam insertions na P81 bilyon sa DPWH.

“Kay Usec Cabral ay NEP insertions sa DPWH pa lang ay P721 billion at ang naging total budget ng DPWH sa 2025 ay P1 Trillion,  ang insertions ni Rep. Zaldy Co ay wala sa DPWH NEP.” (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here