MANILA, Philippines – Nag-ulat ang Department of Health (DOH) ng pitong kaso ng may kaugnayan sa paputok o fireworks-related injuries (FWRIs) sa ibat-ibang rehiyon.
Ayon sa DOH, ang datos ay 75 porsiyento na mas mababa kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa isang advisory, 28 FWRIs ang naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ang mga kaso, na nairekord ng 62 sentinel hospitals mula Disyembre 21 hanggang 4 ng umaga ng Disyembre 23, ay karamihan ay dahil sa mga ilegal na firecracker, karaniwang Boga at 5-star.
Humigit-kumulang 57 porsiyento ng kabuuang kaso ay 19 taong gulang at pababa, habang 43 porsiyento ay 20 taong gulang at pataas.
Pinapaalalahanan ang publiko na agarang dalhin ang mga biktima sa ospital sakaling magkaroon ng anumang aksidente na may kaugnayan sa firecracker.
Maaari namang tawagan agad ang National Emergency Hotline 911 para sa emergency medical assistance, ayon sa DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden