Home NATIONWIDE Sirit-terminal fee sa Batangas Port sasalubong sa 2026

Sirit-terminal fee sa Batangas Port sasalubong sa 2026

316
0

BATANGAS PORT — Tataas ang terminal fee para sa mga outbound passengers sa Batangas Port simula Enero 1, 2026, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).

Inaprubahan ng PPA ang petisyon ng Asian Terminal Inc. na itaas ang fee sa dalawang yugto: P30 hanggang P60 simula Enero 2026, at P60 hanggang P90 simula Hulyo 2026.

Ayon kay Doan Bustamante ng Asian Terminals Inc., “Lumaki na ang port at mas maayos na ito, wala namang increase sa terminal fee sa nakaraang 15 taon.”

Ipinabatid ng PPA na may ilang sektor na maaaring exempted sa terminal fee. Pinayuhan din ang mga pasahero na iwasan ang dala-dalang bawal na items at dumating nang mas maaga sa kanilang iskedyul na biyahe.

Kasabay nito, muling pinaalalahanan ang publiko laban sa mga “fixers” na naniningil ng hanggang P2,000 para unahin sa pila ang sasakyan.

Mula Disyembre 13, umabot sa 177,000 ang bilang ng pasahero sa Batangas Port dahil sa holiday exodus. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here