LOPEZ, Quezon – Isang 69-anyos na balo, si Alfredo Sr., ang diumano’y pinatay ng kanyang 37-anyos na anak na si Alfredo Jr. noong Lunes ng gabi, Disyembre 22, sa Barangay Mandoog.
Ayon sa pulisya, nagkaroon ng alitan ang mag-ama at armado si Alfredo Jr. ng bolo. Hinabol at pinagtataga umano niya kanyang ama na namatay sa lugar.
Sinubukang pigilan ni Jhea, live-in partner ni Alfredo Jr., ang insidente ngunit siya rin ay nataga rin sa braso at isinugod sa ospital.
Naaresto ang suspek at narekober ang armas na ginamit sa krimen. Ayon sa pulisya, nagmula ang insidente sa isang hindi pagkakaunawaan ng mag-ama. Haharapin ngayon ni Alfredo Jr. ang kaukulang kaso. RNT