MANILA, Philippines – Nasa walong pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa mismong araw ng Pasko sa Barangay Post Proper Southside, Taguig City.
Apat na fire truck ang rumesponde sa sunog na umabot sa unang alarma.
Idineklara ang sunog na fire under control matapos ang isang oras at idineklarang fire out kalaunan.
Tinitingnan ng mga imbestigador ang posibilidad na ang sunog ay sanhi ng nag-spark na wire ng kuryente bagamat nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.
Inilikas naman ang mga apektadong pamilya at tinutulungan ngayon ng barangay. RNT/JGC