Manila, Philippines- Hanggang ngayon ay shocked and disappointed.
Ganito kung ilarawan ni Zsa Zsa Padilla ang kanyang eksaktong naramdaman sa paraan ng paggawad sa kanya ng Lifetime Achievement Award ng Aliw Awards.
Hindi nga itinago ng Divine Diva ang labis na pagkadismaya sa “handling of the ceremony.”
Ganoon pa mandin ang pasasalamat ng singer-actress sa nasabing parangal, ngunit mas dapat daw siyang maging grateful sa pananatili sa loob ng 42 taon.
Partikular na pinalagan ni Zsa Zsa ang pagsenyas umano ng isang production staff na mag-step down o bumaba na sa entablado.
Ito ay sa kabila ng kahandaan niya para banggitin sa kanyang acceptance speech ang mga taong pinagkakautangan niya ng loob.
Inireklamo din ni Zsa Zsa ang limitadong oras na siyang dahilan para umikli ang mga mensahe ng pasasalamat ng mga awardees.
Kabilang din kasi sa mga tumanggap ng kaparehong parangal ay sina Gary Valenciano, Jed Madela at Franki Asinero.
Pinayuhan ni Zsa Zsa ang pamunuan ng Aliw Awards “to do better.”
Dahil nga sa sobrang pagkapahiya sa palpak na production handling ng seremonya kung kaya’t minarapat na lang ni Zsa Zsa na isoli ang naturang parangal.
Sa panig naman ng pamunuan ng Aliw Awards, humingi sila ng paumanhin kay Zsa Zsa pero ganu’n daw talaga ang kanilang naging patakaran.
Sa mga bunubuo ng award-giving body, umayos kaya kayo! Ronnie Carrasco IIi