Home NATIONWIDE Kapitan ng barangay sa Lumban, Laguna tiklo sa illegal na bentahan ng...

Kapitan ng barangay sa Lumban, Laguna tiklo sa illegal na bentahan ng lupa

304
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang kapitan ng barangay sa Lumban, Laguna matapos ang umano’y pagbebenta ng lupa na pagmamay-ari ng iba.

Kasabay nito ay nakumpiska ng mga awtoridad ang dalawang lisensyadong armas.

Sinabi ng Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na naglunsad sila ng operasyon matapos makatanggap ng report na nagpresenta lamang ang suspek ng tax declaration sa kabila ng pagkakaroon ng lupa ng titulo.

Nakapambiktima na umano ang suspek na isang barangay captain ng Barangay Caliraya, sa modus na may kahalintulad sa land grabbing at nagpapanggap na ito ang nagmamay-ari ng property.

Sinabi ng isang biktima na ang 300 square meters na lupa ay ibinibenta sa halagang P1.3 milyon.

Itinanggi naman ng suspek ang akusasyon at sinabing ang kanyang mga dokumento ay lehitimo.

Sa kabila nito, inamin nito na ang armas ay hindi lisensyado at hiniram lamang bilang proteksyon sa kanyang sarili.

Sumailalim na sa inquest proceedings ang suspek para sa mga reklamong estafa through falsification of documents, syndicate estafa, swindling, at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nagpaalala ang PNP-CIDG sa publiko na suriin munang mabuti at beripikahin ang mga dokumento kung bibili ng lupa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here