Home NATIONWIDE Net trust rating ni PBBM, bumaba sa -3%; VP Sara, sumipa sa...

Net trust rating ni PBBM, bumaba sa -3%; VP Sara, sumipa sa 31%

308
0

MANILA, Philippines – DUMAUSDOS sa -3% ang net trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., habang gumanda at bumuti naman ang net trust rating ni Vice President Sara Duterte matapos makahamig ito ng 31% sa gitna ng masusing imbestigasyon ng gobyerno sa di umano’y maanomalyang flood control projects.

Ito ang makikita sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong November 24 hanggang 30 at kinumpirma ng SWS, araw ng Biyernes.

Makikita sa survey na nakakuha si Pangulong Marcos ng 38% ‘much trust rating’ kumpara sa 41% na ‘little trust’ sa kanya.

Sa kabilang dako, nakakuha naman si VP Sara ng 56% na ‘much trust score’ laban sa 26% na mayroong ‘little trust’ sa kanya.

Ang -3% net trust rating ni Pangulong Marcos para sa November 2025 ay mas mababa kaysa sa kanyang October 2025 net trust rating na 7%.

Ang November 2025 net trust rating naman ni VP Sara ay mas mataas kaysa sa kanyang net trust rating na 25% noong nakaraang Oktubre.

Ang Trust na pinakamataas para kay Pangulong Marcos ay sa Balance Luzon (mga lugar sa labas ng Metro Manila sa Luzon) na may +18.

Gayunman, kahit saan pa, nakapagrehistro si Pangulong Marcos ng negative ratings na -37 sa Mindanao, -7 sa Visayas, at -8 sa National Capital Region (NCR).

Para naman kay VP Sara, ang ‘trust’ ang pinakamalakas sa Mindanao na amy +74, sinundan ng +43 sa Visayas, at +12 sa Balance Luzon. Ang kanyang weakest mark ay sa NCR na may +2, bagaman nananatiling positibong rating.

Ang poll na kinomisyon ng Stratbase Consultancy ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa buong bansa na may 1,200 adults na may edad na 18 taong gulang pataas.

Kabilang sa 1,200 respondents ang 300 indibiduwal mula sa Metro Manila, 300 indibiduwal mula sa Balance Luzon, 300 indibiduwal mula Visayas, at 300 indibiduwal mula sa Mindanao.

Ang sampling error margins ay ±3% for national percentages at ±6% sa bawat, para sa sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

“Given a sponsor-authorized release of commissioned survey items, SWS is disclosing pertinent survey results and technical details for the benefit of the public,” ayon sa kalatas ng SWS.

“The area estimates were weighted by the Philippine Statistics Authority (PSA) medium-population projections for 2025 to obtain the national estimates,” ayon sa ulat. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here