Home HOME BANNER STORY DOH: 112 nasugatan sa paputok, 376 naaksidente sa kalsada mula Dis. 21–28

DOH: 112 nasugatan sa paputok, 376 naaksidente sa kalsada mula Dis. 21–28

254
0

MANILA, Philippines – Umabot sa 112 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok sa buong bansa mula Disyembre 21 hanggang 28, ayon sa pinakahuling holiday summary report ng Department of Health (DOH).

Pinakamarami ang naitala sa National Capital Region (NCR) na may 52 kaso, sinundan ng Ilocos Region (12), Central Luzon (9), at Western Visayas (9).

Ayon sa DOH, ang may pinakamataas na bilang ng nasugatan ay mga lalaking edad 5 hanggang 14 taong gulang, na umabot sa 55 kaso.

Batay sa breakdown ng ahensya, ang pangunahing sanhi ng mga pinsala ay 5-Star firecrackers, sinundan ng mga hindi matukoy na paputok, lalo na sa mga kasong hindi na matandaan ng pasyente ang ginamit dahil sila ay passive victims.

Kabilang din sa mga sanhi ang boga, kwitis, piccolo, pla-pla, at whistle bomb.

Bukod sa mga pinsala mula sa paputok, iniulat din ng DOH ang 376 kaso ng road crash injuries sa parehong panahon.

Pinakamaraming kaso ang naitala sa Region II, Region IV-A, at Region V.

Ipinakita ng datos na karamihan sa mga nasangkot ay mga lalaking edad 15 hanggang 29 taong gulang, at 73 porsiyento ng mga insidente ay kinasasangkutan ng motorsiklo.

Dagdag pa ng DOH, 84 porsiyento ay hindi gumagamit ng safety accessories, habang 13 porsiyento ay nasa ilalim ng impluwensiya ng alak nang mangyari ang aksidente.

Naitala rin ng ahensya ang 190 kaso ng noncommunicable disease emergencies, na pinangungunahan ng acute stroke o brain attack (118), acute coronary syndrome o heart attack (49), at bronchial asthma (23).

Mas karaniwan ang brain attack at heart attack sa mga lalaki, habang mas mataas naman ang kaso ng asthma sa mga babae.

Sa usaping mental health, sinabi ng DOH na ang National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotline 1553 ay nakatanggap ng 612 tawag sa nasabing panahon, na umabot sa rurok noong Disyembre 23.

Karamihan sa mga tumawag ay mga young adult na edad 18 hanggang 30, sinundan ng edad 31 hanggang 43, at mas marami ang babae.

Ang pangunahing dahilan ng pagtawag ay anxiety at depressive symptoms, mga problema sa pag-ibig o relasyon, at mga alalahaning may kinalaman sa pamilya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here