Home NATIONWIDE 8 tindahan ng paputok sunog sa tinesting na triangguloNATIONWIDETOP STORIES 8 tindahan ng paputok sunog sa tinesting na triangguloDecember 30, 2025 12:202500 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippnes – Walong tindahan ng paputok ang nasunog sa Barili, Cebu.Itinuturong dahilan ng sunog ay ang pagtesting ng isang mamimili ng nabiling paputok.Sa ulat, sunod-sunod na pagsabog ang narinig kung saan makikita rin ang mga stall na nasusunod bandang alas-9 ng gabi ng Linggo, Disyembre 28.Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, dalawang lalaki ang bumili ng trianggulo mula sa isa sa mga tindahan.Nagsimula ang apoy matapos na sindihan ang isa sa mga ito at maitapon sa kalapit na Judas Belt.Napatay naman ang sunog matapos ang 10 minuto at ang dalawang lalaking sangkot ay agad na tumakas sakay ng motorsiklo.Sinabi ng mga vendor na sumusunod naman sila sa regulasyon upang masiguro ang ligtas na pagbebenta ng paputok. RNT/JGC