Home NATIONWIDE BI nagpaalala sa mga dayuhan, 2026 Annual Report ipakita

BI nagpaalala sa mga dayuhan, 2026 Annual Report ipakita

322
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhan na mag-comply sa 2026 Annual Report para sa registered aliens, na ginagawa sa unang dalawang buwan ng susunod na taon.

Sa abiso, sinabi ng BI na ang 2026 Annual Report ay ginagawa mula Enero 1 hanggang Marso 1, 2026 kung saan obligado ang mga ito na mag-report ng personal sa ahensya.

Sakop sa requirement ang lahat ng registered foreigners at ACR I-Card holders in the Philippines, maliban sa temporary visitor o tourist visas.

Ito ay bilang pagtugon sa Republic Act 562 o 1950 Alien Registration Act.

Ang 2026 Annual Report para sa BI main office sa Intramuros, Manila ay gaganapin sa Robisons Manila mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes maliban tuwing holiday.

Ang kumpletong listahan ng mga opisina ng BI na lalahok sa 2026 Annual Report ay maaaring ma-access sa e-services.immigration.gov.ph. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here