Home NATIONWIDE 125 firecracker-related injuries naitala ng DOH bago mag-Bagong Taon

125 firecracker-related injuries naitala ng DOH bago mag-Bagong Taon

240
0

MANILA, Philippines – Tumaas sa 125 ang bilang ng mga indibidwal na nasugatan dahil sa mga paputok dalawang araw bago ang pagdiriwang ng Bagong Taon 2026, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Lunes, Disyembre 29.

Sinabi ni DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na ang 125 kaso ng fireworks-related injuries na naitala mula Disyembre 21 hanggang 29 ay 27% na mas mababa kumpara sa 171 kaso noong parehong panahon noong 2024.

Karamihan sa mga ito ay galing sa National Capital Region na may 57 kaso, sumunod ang Ilocos Region na may 12, at Central Luzon na may 11. Karamihan sa mga biktima ay lalaki na may edad lima hanggang 14.

Ang mga pangunahing sanhi ng mga injuries ay 5-Star, hindi matukoy na paputok, Boga, Kwitis, walang label o imported na paputok, at Whistle Bomb.

Ipinaalala ni Domingo, na ang Kwitis at Whistle Bomb ay parehong legal at mabibili sa mga lisensyadong dealers.

Gayunman, iginiit ng DOH na hindi dapat pinapahawak ng paputok ang mga bata, ito man ay legal o ilegal.

Ayon pa kay Domingo, base s adatos, malinaw aniya na dapat maghigpit sa pagbabantay sa mga kabaataang lalaki. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here