Home NATIONWIDE Higit P120M hinihinalang ismagel na sigarilyo nasabat sa Pampanga

Higit P120M hinihinalang ismagel na sigarilyo nasabat sa Pampanga

215
0

MANILA, Philippines – Nasabat ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP HPG) ang mahigit P120 milyong halaga ng hinihinalang ismagel na sigarilyo sa warehouse sa San Simon, Pampanga nitong Linggo, Disyembre 28.

Ayon sa PNP HPG, ang operasyon ay nag-ugat sa routine traffic stop matapos na parahin ng mga awtoridad ang trak sa paulit-ulit na traffic violation.

Bigong maipakita ng drayber ang valid driver’s license nito, vehicle registration, at cargo manifest, na nagtulak sa mga awtoridad para inspeksyunin ang sasakyan.

Sinabi ni PNP HPG Director Police Brigadier General Hansel Marantan na ang inspeksyong ito ay nag-ugat sa pagkakadiskubre ng hinihinalang illegal na sigarilyo na itinago sa loob ng trak.

“Walang pertinent papers, walang CR, impoundable offense ‘yung violation. Voluntarily, the driver opened the closed truck at it was concealed ng paleta. So there is malice there already para hindi makita ang boxes doon,” ani Marantan.

Kalaunan ay itinuro ng drayber ang warehouse kung saan ikinarga ang mga kontrabando.

Ani Marantan, organisado ang paraan ng pagbiyahe sa mga sigarilyo katulad ng mga taktika sa distribusyon ng illegal na droga.

“Matindi rin ‘yung cut-out [system] nila, parang nagdi-distribute din ng droga. ‘Yung nakuha naming driver, reading the contents of the cellphone hanggang doon lang sa 7/11 lang alam niya. They have the mastered the craft of delivery of smuggled cigarettes that’s why we asked the intervention of the IG (Intelligence Group) para tumulong sa build-up pa,” dagdag pa niya.

Aabot sa 1,468 master cases ng sigarilyo ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pakikipag-ugnayan sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Trade and Industry (DTI) Regional Office III, at National Tobacco Administration (NTA).

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang pinagmulan ng mga sigarilyo, may-ari ng warehouse at posibleng kaugnayan nito sa illegal smuggling operations.

Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, kasama ang iba pang posibleng reklamo sa Office of the Prosecutor sa Pampanga. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here