MANILA, Philippines – Mahigit 200 pulis ang sasama sa taunang Translacion sa Enero 9, ang hihglight ng Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno.
Ayon kay Alex Irasga, technical adviser ng Quiapo Church, ang mga pulis na deboto ay magsisilbi bilang “hijos” ng Nazareno, hindi sa kanilang opisyal na kapasidad.
Sila ay magsusuot ng espesyal na uniporme na may imahe ng Nazareno at ang mga salitang “Pulis ng Panginoon” habang tinutulungan ang seguridad ng andas at binabantayan ang crowd.
Sinabi ni Fr. Robert Arellano, parochial vicar ng Quiapo Church, na ang presensya ng pulis ay hindi magiging sanhi ng takot sa mga deboto.
Bukod sa 200 pulis, ang Philippine National Police ay magde-deploy ng humigit-kumulang 14,000 tauhan sa Maynila para sa okasyon, kasama ang mga reinforcements mula sa Regional Offices 3 at 4-A. Ang Traslacion ay susunod sa 5.8-kilometro na ruta mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church, na inaasahang tatagal ng 15 oras, katulad ng prosesyon noong 2025.
Samantala, sinabi ng mga opisyal ng Quiapo Church na may mga entry routes para sa Quiapo Church at Quirino Grandstand.
Para sa mga papunta sa Quiapo, ang pasukan sa simbahan ay via Quezon Blvd, Carriedo, Villalobos, Palanca (mula Carriedo at Quinta Market). Para sa mga papunta sa Luneta, ang pasukan ay via Quezon Bridge, Nagtahan/UN, Jones Bridge, McArthur Bridge (lahat sa pamamagitan ng Taft at Kalaw). Jocelyn Tabangcura-Domenden