MANILA, Philippines – Umabot na sa 4.5 milyon ang naitala ng Philipine Ports Authority (PPA) na pasahero sa ibat-ibang pantalan mula Disyembre 15 hanggang 30.
Sinabi ni PPA spokesperson Eunice Samonte na ang kamakailang bilang ay mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakalipas na taon.
Inaasahan pa ng PPA na ang bilang ng mga pasahero ngayong taon ay lalagpas sa projected na 4.6 milyon.
Hinimok ni Samonte ang mga pasahero na ireport ang mga mapagsamantala sa halip na makipagtransaksyon sa kanila dahil ang mga ito aniya ay nag-aalok ng mga overpriced at pekeng tiket.
Pinaalalahanan din ang publiko na iwasana ang pagdadala ng mga bagay na ipinagbabawal kabilang ang mga inuming alak at paputok. Jocelyn Tabangcura-Domenden