Home HOME BANNER STORY PBBM dedma sa pagbagsak ng survey ratings – Malakanyang

PBBM dedma sa pagbagsak ng survey ratings – Malakanyang

334
0

MANILA, Philippines – IPINAGKIBIT-BALIKAT lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kamakailan lamang na survey results na nagpapakita ng pagbaba ng kanyang approval ratings, kahit pa ang findings ay bunsod ng kanyang pagsusulong na iimbestigahan ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Inihayag ito ni Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro kasunod ng ipinalabas na Pulse Asia survey result na nagpapakita na .mayorya ng mga Filipino ay hindi sang-ayon sa performance ni Pangulong Marcos sa pagtatapos ng taon.

“Kung ang dahilan ng pagbaba ng rating ng Pangulo ay dahil sa ginagawa niya sa pagpapaimbestiga sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects na nakakaapekto sa ekonomiya na nagiging sanhi ng political noise, hindi iindahin ng Pangulo ang pagbaba ng rating dahil sa ang ginawa niya ay isang RIGHT DECISION na maaaring hindi POPULAR decision dahil maraming maaapektuhang tao at politiko,” ayon kay Castro.

“Pero kailan ito sisimulan? Sino ang magsisimula ng imbestigasyon? Alam ng Pangulo na maaapektuhan ang kanyang administrayon pero tinuloy ang pagpapaimbestiga para sa bayan at para sa mamayan,” aniya pa rin.

Base sa survey, nakakuha si Pangulong Marcos ng 48% disapproval rating ngayong buwan ng Disyembre, bahagyang pagtaas mula sa 44% na naitala para sa buwan ng Setyembre.

Samantala, ang approval naman ng performance ng Pangulo ay tumaas ng one percentage point sa 34% habang 18% respondents ang nananatiling undecided.

Winika ni Castro na ang survey results — maging ito man ay paborable o hindi ay magsisilbing gabay para sa administrasyon na patuloy na palakasin ang laban sa korapsyon.

Pinuna rin ni Castro ang nakuhang paborableng survey ratings ng administrasyon ni dating President Rodrigo “Digong” Duterte, subalit nabigo na maghain ng kaso laban sa mga personalidad na sangkot sa flood control controversy.

“Mataas nga ang rating ng nakaraang administrasyon sa loob ng anim (6) na taon pero may mga kickbacks bang naisuli o nakasuhan kahit maraming ghost projects as early as 2020?,” ayon kay Castro.

“Ang mga korap ay hindi napanagot kundi parang na-tolerate pa. Mataas nga ang rating ng bise presidente, pero may resulta na ba ang pag-iiimbestiga sa kanyang confidential funds na marami sa kanyang mga kaalyado ay hinaharang pa,” dagdag na pahayag ni Castro.

Taong 2020, ipinag-utos ni Digong Duterte ang pag- audit sa Department of Public Works and Highways projects para madetermina kung umiiral ang ghost projects sa loob ng ahensiya. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here