Home ENTERTAINMENT Mark Dionisio, sagana sa romansa kay Jenn Rosa!

Mark Dionisio, sagana sa romansa kay Jenn Rosa!

1
0

Manila, Philippines – Tiniyak ni Mark Dionisio na kaabang-abang ang kanilang sexy movie na “Labas-Pasok.”

Nabanggit ni Mark na napalaban siya nang husto sa mga nakakikiliting lampungan dito dahil pagdating sa love scenes ay lagi raw all-out ang barakong aktor.

Aniya, “Lagi naman po akong all-out sa mga love scenes sa mga pelikula ko, lalo na kapag game at daring din ang leading ladies ko. Kaya gustong- gusto ako ng mga fans ng VMX.”

Ano ang role niya rito at bakit Labas Pasok ang title nito?

“Ginampanan ko po ang role ni Peter. Isang mayaman na asawa ni Stephie, na si Jenn Rosa naman po ang gumanap.

“Kaya ganoon po ang title ay dahil maraming labas-pasok na magaganap sa movie, hahaha! Basta po ayaw ko muna ma-spoil yung story, pero dahil po ito sa paulit ulit na labas pasok, hahaha!”

Gaano siya ka-daring dito at anong pampainit ang aabangan sa kanilang pelikula?

Esplika niya, “As usual po, lagi naman tayong daring sa mga pampa-init na eksena na ginagawa ko.

“Dapat abangan ang Labas-Pasok dahil iba ang kuwento nito sa usual na napapanood natin sa VMX.

“Sexy-thriller siya na may comedy. At siyempre po matindi at maiinit ang mga eksena rito, kaya siguradong mag-eenjoy sa Labas Pasok ang mga manonood.”

Aminado ang hunk actor na dito’y matindi ang romansahan nila ni Jenn.

Kuwento ni Mark, “Matindi po talagang lampungan ang makikita rito, hahaha! Pero hindi lang kay Jenn, bale, pareho po kina Jenn at Lea Bernabe, sa kanilang dalawa ay may love scenes ako.

“Bale si Jenn po ang asawa ko rito, tapos si Lea ay maid namin na kabit ko.”

Nakangiting pahabol pa niya, “So, abangan po nila ang matitinding lampungan talaga rito sa movie, dahil parehong palaban talaga rito sina Jenn at Lea.”

Mula sa pamamahala ni Direk Bobby Bonifacio Jr., kasama rin sa pelikulang Labas Pasok si Ghion Espinosa. Available na ito sa streaming app ng VMX sa Nov. 13. Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here