Home NATIONWIDE Ex-Mayor sa Nueva Ecija, arestado sa P.5M shabu

Ex-Mayor sa Nueva Ecija, arestado sa P.5M shabu

688
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang 53-anyos na dating Mayor sa lalawigan ng Nueva Ecija matapos masamsaman ng halos kalahating milyong pisong halaga ng shabu sa isang anti-illegal drugs buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Calipahan, Talavera kaninang madaling araw.

Base sa report ni Lt Col. Togrlio L. Pacificar Jr., hepe ng Talavera Police Station kay Col. Heryl Daguit Bruno, director ng Nueva Ecija Police Provincisl Office, ang suspek ay dating vice mayor at naging mayor ng bayan ng Sto. Domingo sa lalawigan noong 2007-2010.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, isa sa mga operatiba ang nagpanggap na buyer at nakabili ng iligal na droga sa dating mayor, gamit ang marked money.

Aktong nagpapalitan ng droga at marked money ang suspek at ang poseur-buyer nang dambahin ng mga pulis ang dating alkalde.

Bukod sa isang sachet ng droga ay nakuha pa sa suspek ang karagdagang limang pakete na naglalaman ng shabu na sa kabuuan ay tumitimbang ng 70 gramo, nagkakahalang ₱476,000.

Sa panayam sa suspek, sinabi niyang may problema siya sa kanyang pamilya ngunit itinanggi na sa kanya ang mga nakuhang droga.

Nakapiit ang dating mayor sa Talavera Police Station at siya’y nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165. MARINA BERNARDINO-SY

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here