Home NATIONWIDE Pinas, swak pa rin sa visa fee ng SoKor ‘gang Hunyo 2026

Pinas, swak pa rin sa visa fee ng SoKor ‘gang Hunyo 2026

247
0

SEOUL — Ipinagpapatuloy ng South Korea ang visa fee waiver para sa group tourists mula sa anim na bansa, kabilang ang Pilipinas, hanggang katapusan ng Hunyo 2026.

Ayon kay Finance Minister Koo Yun-cheol, ang exemption para sa C-3-2 group tourist visas, na orihinal na matatapos ngayong Miyerkules, ay layong “to maintain momentum in inbound tourism” habang patuloy na hinihikayat ng South Korea ang pagdating ng mga dayuhang turista.

Saklaw din ng waiver ang mga biyahero mula China, India, Vietnam, Indonesia, at Cambodia. Ang karaniwang bayad sa C-3-2 visa ay 18,000 won (tinatayang USD12.46). Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here