MANILA, Philippines — Umabot sa “very alarming” ang antas ng polusyon sa hangin sa Metro Manila dahil sa selebrasyon ng Bagong Taon, ayon sa Breathe Metro Manila.
Ang hilaga at gitnang bahagi ng NCR ay nakaranas ng “hazardous” na kalidad ng hangin mula Disyembre 31 hanggang Enero 1.
“If you are part of the vulnerable sector, let’s say you are a senior citizen with respiratory illness or children with asthma, of course, you have to protect yourselves kasi this kind of readings like 500-400 micrograms per cubic meter — it’s a lot,” ayon kay Ethel Garcia ng Clarity Movement.
As of 3 p.m. Enero 1, nasa “emergency” level ang Caloocan Sports Complex, habang ang ibang lugar tulad ng Kalayaan Avenue-South Avenue Intersection ay nasa “very unhealthy.”
Pinayuhan ang mga may sakit sa puso o baga na manatili sa loob ng bahay o magsuot ng N95 mask.
Dagdag ni Garcia, nakadepende sa lagay ng panahon at hangin ang pagpapabuti ng kalidad ng hangin, habang nagsimula na ang ilang LGU ng cleanup operations upang mabawasan ang polusyon mula sa basura ng selebrasyon. RNT