MANILA, Philippines — Mas kaunti ang naitalang firecracker-related injuries ngayong 2026 New Year, ayon sa Department of Health (DOH).
Mula Disyembre 21 hanggang alas-4 ng umaga ng Enero 1, 235 kaso ang naitala, at karagdagan pang 62 noong mismong Bagong Taon, 42 porsyento mas mababa kaysa sa 403 kaso noong nakaraang taon.
Pinayuhan ng DOH ang lahat ng may firecracker-related injuries, gaano man kaliit, na magpatingin sa pinakamalapit na ospital upang maiwasan ang tetanus, at paalala.
“Symptoms do not appear until around 8 days, some up to 21 days later, and they can be deadly.”
Samantala, naging “very unhealthy” ang kalidad ng hangin sa Metro Manila matapos ang selebrasyon, at pinayuhan ang mga may respiratory illnesses na manatili sa loob ng bahay o magsuot ng mask. RNT