Home TOP STORIES China nagpataw ng 13% VAT sa condoms, contraceptives sa pagpapalakas ng birth...

China nagpataw ng 13% VAT sa condoms, contraceptives sa pagpapalakas ng birth rate

241
0

HONGKONG – Mula Enero 1, 2026, inalis ng China ang tatlumpung taong exemption sa buwis sa mga contraceptive pills at devices, kabilang ang condoms, at pinalitan ng value-added tax (VAT) na 13%, ang standard rate sa karamihan ng consumer goods.

Layunin ng hakbang na ito na hikayatin ang mas maraming panganganak, kasunod ng tatlong sunod na taon ng pagbaba ng populasyon ng bansa.

Noong 2024, bumaba na muli ang populasyon ng China, at inaasahan ng mga eksperto na magpapatuloy ang pagbaba.

Noong nakaraang taon, naglabas din ang gobyerno ng iba pang “fertility-friendly” measures, tulad ng childcare subsidies at “love education” sa mga kolehiyo at unibersidad upang itaguyod ang positibong pananaw sa pag-aasawa at pamilya.

Matagal nang bumababa ang birth rate ng China dahil sa one-child policy mula 1980 hanggang 2015, mabilis na urbanisasyon, mataas na gastos sa edukasyon at pangangalaga sa bata, kawalan ng trabaho, at pabagal na ekonomiya.

Ang mga lider ng China ay muling nangakong isulong ang positibong pananaw sa pag-aasawa at panganganak upang mapatatag ang birth rate sa bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here