Home METRO Lalaki utas sa tama ng kidlat sa NegOcc

Lalaki utas sa tama ng kidlat sa NegOcc

225
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Patay ang isang 43-anyos na laborer matapos tamaan ng kidlat habang nasa loob ng kanyang bahay sa Barangay Jonobjonob, Escalante City noong Bagong Taon, ayon sa pulisya.

Ayon sa imbestigasyon, nasa loob ng kanyang bahay sa Purok Toril ang biktima bandang alas-6 ng umaga nang mangyari ang insidente.

Kasabay nito ang malakas na thunderstorm na may matinding ulan at madalas na pagkidlat.

Sinabi ng mga saksi na isang malakas na kidlat ang tumama sa bahay at direktang tumama sa biktima, na nagdulot ng matinding pinsala at kanyang agarang pagkamatay. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here