Home NATIONWIDE Pilipina kabilang sa mga inaresto ng US ICE sa New Year ops

Pilipina kabilang sa mga inaresto ng US ICE sa New Year ops

284
0

UNITED STATES – Kabilang ang isang Pilipina sa mga inaresto ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) ng Estados Unidos sa operasyon noong bisperas at araw ng Bagong Taon.

Kinilala ng US Department of Homeland Security ang Pilipina bilang si Karen Empaynado, na dati nang nahatulan ng burglary, grand theft, at battery sa Deltona, Florida.

Kasama rin sa mga inaresto ang mga ilegal na dayuhan mula sa Mexico, Honduras, Jamaica, Dominican Republic, at Cuba. Lahat ng inaresto ay isasailalim sa removal proceedings.

Batay sa datos ng Department of Homeland Security, mahigit kalahating milyong ilegal na dayuhan, kabilang ang ilang undocumented Filipinos, ang naaresto mula Enero 20 hanggang Disyembre 10, 2025. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here