Home HOME BANNER STORY Deboto, inabisuhan ng Simbahan sa tamang daanan sa pagbabasbas ng replica ng...

Deboto, inabisuhan ng Simbahan sa tamang daanan sa pagbabasbas ng replica ng Nazareno

253
0

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng pamunuan ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazarene ang mga mananampalataya at deboto na sumunod sa mga itinalagang mga entrance at exit points upang maging maayos at organisado ang isasagawang pagbabasbas ng mga replica ngayong hapon.

Ayon sa pamunuan ng Simbahan sisimulan ang pagbabasbas ala-1:30 ng hapon kung saan gagawin ito sa kahabaan ng Quezon Boulevard footbridge.

Sa inilabas na monitoring report ng Manila Police District (MPD) para sa pagbabasbas, ang mga may dalang replica ay maaari lamang pumasok sa bahagi ng Rizal Avenue Carriedo St., Plaza Miranda at Quezon Boulevard.

Ang pangalawang entrada ay sa bahagi ng Plaza Lacson, Carlos Palanca Villalobos St., Plaza Miranda papuntang Quezon Boulevard.

Maaari ding pumasok sa Carlos Palanca Quinto Market Quezon Boulevard South bundok sa ilalim ng Quezon Bridge diretso sa Quezon Boulevard.

Magsisilbi namang Exit points sa pamamagitan ng Quezon Boulevard ang P.Paterno St., Gonzalo Puyat (Raon), sales Ronquillo St., at Recto Avenue. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here