MANILA, Philippines – Payak na sinalubong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Bagong Taon, ayon sa kanyang anak na si Veronica “Kitty” Duterte.
Sinabi nito na ginugol ng dating presidente ang araw sa pagtulog, pagkain, at panonood ng TV.
Ani Kitty, “Walang bago sa kanya… Sinabi niya, ‘Wala. Tulog, kain, TV.’ Yun yung kasiyahan niya.”
Nagpaabot rin si Duterte ng pagbati sa mga Pilipinong dumalo sa International Criminal Court (ICC) detention center sa The Hague.
“Masaya siya na marinig na may mga tao pa rin… Happy siya to have you all, and he said more power to you all daw,” sabi ni Kitty.
Para sa kanyang sarili, sinabi ni Kitty na bagama’t masaya ang kanyang Bagong Taon sa Europe, ramdam pa rin ang kakulangan dahil sa pagkawala ng kanyang ama.
Para sa 2026, nakatuon siya sa personal na pag-unlad at pagpapabuti sa sarili.
Nagbahagi rin siya ng payo sa kabataan:
“I think it would help if we stop comparing ourselves and only compete with ourselves… What I aim to be every day is a better version of myself, not someone else.” RNT/MND