MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP) ang 12.40% pagbaba sa tinaguriang “focus crimes” noong 2025, na may 35,717 na kaso sa buong bansa, mula sa 40,771 noong 2024.
Kabilang sa mga pangunahing krimen na malaki ang ibinaba ay rape (baba ng 22.68% sa 7,662 kaso), carnapping ng sasakyan (baba ng 20.18% sa 265), murder (baba ng 17.80% sa 3,412), at homicide (baba ng 14.98% sa 1,078).
Bumaba rin ang iba pang krimen, tulad ng physical injury (baba ng 13.98%), robbery (baba ng 11.87%), at theft (baba ng 4.31%).
Ang paghahambing ng dalawang 128-araw na panahon sa 2025 ay nagpakita ng 11.64% pagbaba, na nagpapatunay ng tuloy-tuloy na pagbaba ng krimen.
Ayon kay Acting Chief PNP PLTGEN Jose Melencio Nartatez, ang pagbaba ay bunga ng Focused Agenda ng PNP at ng tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga estratehiya sa crime prevention at law enforcement sa buong bansa. Santi Celario