Home NATIONWIDE Produksyon ng sili palalakasin ng DA

Produksyon ng sili palalakasin ng DA

320
0

MANILA, Philippines – Prayoridad ng Department of Agriculture (DA) ngayong 2026 ang produksyon ng sili upang mapatatag ang suplay at presyo, lalo na sa panahon ng tag-ulan kapag nasisira ang mga pananim dahil sa bagyo.

Binigyang-diin ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang pangangailangan ng baseline data sa konsumo sa bansa at Metro Manila, kasalukuyang produksyon, at karaniwang ani kada ektarya.

“We need to know how much we consume, how much we produce, and where the gaps are,” ani niya.

Plano ng DA ang pagpapalawak ng climate-resilient na pagtatanim, kabilang ang mga greenhouse at typhoon-resistant na estruktura, upang protektahan ang mga pananim laban sa malakas na ulan at baha.

Palalakasin din ang access sa de-kalidad na planting materials gaya ng siling labuyo, siling pansigang, at grafted bell peppers sa pamamagitan ng Gulayan sa Bayan program.

Kabilang ang sili sa prayoridad na high-value crops kasama ng munggo, na may layuning pababain ang presyo at bawasan ang import. Inaasahang makikinabang ang mga restaurant, food processors, at retailers sa mas matatag na produksyon ng sili, dahil mababawasan ang biglaang pagtaas ng presyo sa panahon ng mataas na demand. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here