Home ENTERTAINMENT Dennis, tinawag na ‘bading’!

Dennis, tinawag na ‘bading’!

301
0

Manila, Philippines – Napatunayan sa social media na hindi homophobic si Dennis Trillo.

Ang sinasabing “homophobic” o taong may homophobia ay ‘yung hindi kumportable—kundi man asiwa—sa mga bading.

Proof that the Kapuso actor does not belong to the homophobic type of people ay ang engkuwentro niya sa social media.

Ang siste, ibinahagi ni Dennis ang kanyang pastime sa paglalaro sa boxing arcade machine.

Ito’y kung saan si Manny Pacquiao ang peg ng aktor, showing off his skill at making jabs.

Kuha ‘yon sa isang sikat na mall.

At one point, medyo nag-iinit na si Dennis sa kanyang paglalaro.

Post niya bilang caption: “Kanina pa ako nanggigigil dito, eh!”

All praises naman ang mga netizens sa kanyang impressive boxing skills.

“Lakas pala sumuntok ni idol Dennis Trillo!” sey ng isang netizen.

Ang problema, may naligaw na “mambabasag ng trip” na sa halip na matuwa’y tinawag na bading ang aktor.

Knowing Dennis, he didn’t allow that insulting reference sitting down.

Buwelta niya: “Eh, ano naman kung bading? May problema ka sa mga bading?”

Ipinaubaya na lang ni Dennis sa ibang netizens ang “kapalaran” ng mang-ookray na basher.

“Mga beshie, kayo na ang bahala dito kay (name of basher), ha?” pahabol ni Dennis.

(Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here