Home NATIONWIDE Lahat ng Pilipino sa Venezuela, ligtas — embahada

Lahat ng Pilipino sa Venezuela, ligtas — embahada

301
0

COLOMBIA – Lahat ng Pilipino sa Venezuela ay ligtas sa kabila ng tensyon matapos ang pag-atake ng Estados Unidos sa bansa at pagkaka-aresto kay Pangulong Nicolás Maduro, ayon sa Philippine Embassy sa Colombia.

“Simula po noong January 3, sinusubaybayan na po natin ang ating mga kababayan sa pamamagitan po ng ating group chat with the Filipino community,” sabi ni Chargé d’Affaires Judy Razon.

“Ayon po sa kanila, lahat naman po sila ay nasa safe na sitwasyon. Wala pong nasaktan, wala pong na-injure, at tahimik naman po doon sa kanilang mga lugar so far sa ngayon,” dagdag niya.

Naitala ng Department of Foreign Affairs ang 74 Pilipino sa Venezuela.

Noong Sabado, sinabi ni US President Donald Trump na nahuli na ng US si Maduro. Iginiit naman ni Maduro na mali ang akusasyon at nais lamang ng Washington na kontrolin ang pinakamalaking reserba ng langis sa mundo.

Dinala si Maduro sa US upang harapin ang mga kasong kabilang ang narco-terrorism conspiracy. Sinabi ni Trump na kukunin ng US ang pamamahala sa Venezuela.

Binigyang paalala ng embahada ang mga Pilipino na maging alerto, updated sa balita, at may listahan ng emergency contacts. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here