IDINEKLARA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na drug-cleared na sa ilegal na droga ang dalawa pang barangay sa Navotas City.
Personal na iniabot ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang mga miyembro ng konseho ng lungsod, ang PDEA certificates kina Bagumbayan South Barangay Chairperson Joselito Sulit at North Bay Boulevard North Barangay Chairperson Noel Aviles bilang pagkilala sa tagumpay ng kanilang mga barangay.







