MANILA, Philippines – Inaasahang makikinabang ang mga magsasaka sa Narvacan, Ilocos Sur sa pinasinayaang solar- at wind-powered modular cold storage facility.
Ang pasilidad ay itinurn-over sa munisipyo sa seremonyang pinangunahan ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary for Agro-Marine Industrial Systems Arrey Perez at Regional Executive Director Fidel Libao.
Layon nitong magbigay ng sustainable storage para sa agricultural produce.
Dumalo si Mayor Edna Cabalo-Sanidad sa inagurasyon kasama sina Sangguniang Bayan members Jose Corrales Jr. at Benjamin Dela Cuadra Jr., Liga ng mga Barangay President Fidel Cacas, barangay captain, farmers’ association presidents, at Municipal Agriculturist Garry Cardona.
Ang proyekto ay bahagi ng hakbang ng DA at lokal na pamahalaan para palakasin ang suporta sa agrikultura, mapabuti ang food preservation, mabawasan ang post-harvest losses, at ipakilala ang paggamit ng renewable energy sa mga agriculture facility.
Inaasahan ding makatutulong sa mga magsasaka para mapangasiwaan ang mga ani at mapreserba ang kalidad ng mga produkto sa pamamagitan ng cold storage facility. RNT/JGC