Home NATIONWIDE Pagdami ng road incidents ikinaalarma ng DOH

Pagdami ng road incidents ikinaalarma ng DOH

271
0

MANILA, Philippines – Mas maituturing na public health concerns at nakakaalarma ang aksidente sa kalsada kumpara sa paputok nitong holiday season, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, mas marami pa ang naitalang na aksidente sa kalsada kaysa mga naputukan.

Bukod kasi sa may namatay sa road crash ay mayroon ding namatay na tumatawid lang at nasagasaan.

Ayon kay Herbosa, umaabot sa 1,384 ang naitalang road crash injuries.

Sa naturang bilang, pito sa sampung nakamotor ay namatay at anim sa kanila ay mga walang suot na helmets.

Karamihan din sa nasangkot sa aksidente ay dahil sa motorcycle at tricycle o 2-3 gulong na sasakyan.

Karamihan sa mga biktima ay nasa edad 15-29 taong gulang na bukod sa walang helmet ay nakainom pa ng alak.

Binigyang diin ni Herbosa na ang raod safety ay hindi lang usapin para sa Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH). Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here