Home METRO Nagbabagang rockfall naitala sa Mayon; alert level 2 nanatili – PhiVolcs

Nagbabagang rockfall naitala sa Mayon; alert level 2 nanatili – PhiVolcs

238
0

ALBAY, Philippines – Nakapagtala ng incandescent rockfall o nagbabagang pagguho ng bato mula sa summit lava dome ng Bulkang Mayon bandang 10:46 ng gabi noong Lunes, Enero 5, 2026, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang insidente ay naitala ng mga camera at seismic monitor ng Mayon Volcano Network.

Ayon sa PHIVOLCS, “A total of 85 rockfall events have been recorded for the past 24 hours.”

Dagdag pa ng ahensya, “Alert Level 2 prevails over Mayon Volcano and entry into the 6-km Permanent Danger Zone must be prohibited.”

Matatandaang itinaas ng PHIVOLCS ang alert status ng Bulkang Mayon sa Alert Level 2 noong Enero 1, 2026 dahil sa tumataas na aktibidad.

Ayon sa ahensya, ang pag-angat mula Alert Level 1 patungong Alert Level 2 ay nangangahulugang may kasalukuyang paggalaw ng magma na maaaring humantong sa mapanganib na pagsabog.

Noong Disyembre 31, 2025, naitala ang 47 rockfall events—ang pinakamataas sa loob ng isang araw sa nakalipas na isang taon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here