Home METRO Mga plano sa Baguio public market muling pag-aaralan

Mga plano sa Baguio public market muling pag-aaralan

211
0

BAGUIO CITY, Philippines – Kailangang ayusin ng pamahalaang lungsod ng Baguio ang matagal nang isyu sa public market matapos bawiin ng SM Prime Holdings (SMPH) ang kanilang unsolicited proposal na i-redevelop ang mahigit tatlong ektaryang pamilihan, ayon sa mga opisyal nitong Lunes.

Ayon kay Vice Mayor Faustino Olowan, kailangan munang maresolba ang mga problema sa boundaries ng lupa at karapatan ng mga vendor bago magsimula ang anumang proyekto.

“It is unfortunate that we are back to square one. This is the second time we dreamed of improving the public market but did not materialize,” ani Olowan.

Sa isang liham noong Disyembre 19, binanggit ng SMPH na ang hindi pagkakasundo sa executive at legislative branches ng lungsod, pati na rin sa mga vendor at iba pang stakeholders, ang dahilan ng pagbawi sa 2020 proposal.

Kasama sa planong iyon ang 50-taong pamamahala at operasyon ng market at pansamantalang paglilipat ng humigit-kumulang 4,000 vendors.

Ayon kay Olowan, ipagpapatuloy ng konseho ang pag-uusap habang hinihintay ang opisyal na komunikasyon sa pagbawi.

Samantala, sinabi ni dating konsehal Mylen Yaranon na ipagpapatuloy nila ang protesta at hinihikayat ang pagbabalik-aral sa mga dating plano na naglalayong panatilihin ang makasaysayang bahagi ng pamilihan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here