Home METRO Kelot utas sa kaibigan sa love triangle

Kelot utas sa kaibigan sa love triangle

234
0

BULACAN – Isang lalaki ang pinagbabaril ng kanyang kaibigan noong Sabado sa Plaridel, Bulacan dahil sa umano’y love triangle.

Ang biktima, isang cellphone technician, ay pinagbabaril sa harap ng kanyang shop.

“Bumaba ‘yung ating suspect from his car, then merong mga argument. Later on, nandoon na, bumunot na siya ng baril, then pinutukan niya na. Pinutukan niya sa iba’t-ibang parte ng katawan,” sabi ni Plaridel Police chief P/Lieutenant Colonel Jerome Jay Ragonton.

Agad na nakilala ng pulisya ang suspek bilang kaibigan ng biktima.

“Ang tinitignan natin dito is love triangle. Personal grudge. Kumbaga itong victim natin is parang mayroon silang illicit affair nung girlfriend,” dagdag ni Ragonton.

Natunton ang suspek sa Cabanatuan, Nueva Ecija, kung saan narekober ang baril na ginamit at naaresto siya. Haharapin niya ang kaso ng murder at illegal possession of firearms. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here