Home NATIONWIDE Isang komisyuner na lang: Paglusaw sa ICI, wala pang impormasyon – Hosaka

Isang komisyuner na lang: Paglusaw sa ICI, wala pang impormasyon – Hosaka

220
0

MANILA, Philippines – Wala pa ring impormasyon tungkol sa posibleng pagbuwag sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), na ngayon ay may isang natitirang komisyoner na lamang, ayon kay ICI Executive Director Brian Hosaka noong Miyerkules, Enero 7.

Ang pahayag ni Hosaka sa mga mamamahayag ay kasunod ng sinabi ni Senator Imee Marcos na nakatanggap siya ng impormasyon na ang ICI ay nakatakda nang “buwagin” sa Pebrero 1, kasunod ng sunud-sunod na pagbitiw ng mga dating komisyoner na sina Rogelio “Babes” Singson at Rossana Fajardo noong Disyembre 15 at 31, ayon sa pagkakasunod.

Ang natitirang komisyoner ay si retiradong Supreme Court Associate Justice Andres Reyes Jr., na siya ring chairman ng ICI.

Itinatag sa ilalim ng Executive Order No. 94, nakapag-refer ang ICI ng walong kaso sa Ombudsman kasunod ng tatlong buwang imbestigasyon sa mga anomaliyang proyekto sa flood control.

Naging sanhi rin ito ng pag-aresto sa mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya at higit sa isang dosena na iba pang indibidwal, na karamihan ay mga staff ng mga kompanya sa konstruksyon at empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang imbestigasyon nito ay naging sanhi ng pag-freeze ng higit sa P20.3 bilyong piso na halaga ng mga ari-arian, kabilang ang 6,538 bank accounts, 255 motor vehicles, 178 real properties, 16 e-wallet accounts, tatlong securities accounts, at 11 air assets, tulad ng mga jet at helicopter. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here